Saturday, 5 June 2010

Alon

May oras pa. Pupunta ako sa buhanginan at hahanap ako ng mapupwestuhan. Kahit isa lang, makapagsulat lang ako ng something sa lugar na ito. ‘Yan. Okey na ‘ko dito. Sarap ng may BB talaga. Who needs a laptop?

Hm... La di dai di dai... Mmm... Syet. Ano ba yan wala naman akong maisip. Nakakaantok ang alon. Tingala. Lentek, anong isusulat ko – ‘tong korteng isdang ulap? Hmmm.... ang saya ng tugtog. Sarap sayawan talaga ng Latin music- ang landi, napaka-dynamic ng indak. Baka naman nami-miss ko lang kasing sumayaw talaga. Haay, I really need to find myself a dance partner. Mukhang retired na sa pagsayaw ang fave partner ko.

Ano ba naman ‘tong mga ‘to. Hanggang dito trabaho pa rin ang iniisip. O well, kundi ako nagresign malamang mas malalala ako sa kanila ngayon.

Teka, hindi ako nagresign. Hindi na ‘ko nagrenew ng kontrata, ‘yun ‘yon. Tinapos ko naman ang kasunduan- isang taon. Mantakin mo, naka-isang taon din ako. I should congratulate myself, tap myself on the shoulder- ang galing ko, ang tyaga ko, at higit sa lahat sabi ko nung December hindi ko na kaya pero kinaya ko pa with almoranas, ulcers, dandruff and all 13 lbs. of pure fat. Ganda.

Masaya ako. Nung una, I was thinking baka madugo ang pag-alis ko. It’s a good thing I took the time to really think hard kung bakit ba ako aalis, kelan, at paano. Pero ngayon, I think it’s perfect. Nothing can be more perfect than knowing that the moment has arrived.

Ang gulo gulo naman talaga nung una. At habang tumatagal humihirap, hanggang pakiramdam ko nakalibing na ako. OA naman. Siguro nalulunod lang. Five months ago parang ayoko ring umayaw; gusto kong tapusin hanggang project end, gusto kong subukan kung in the end I will belong, ayokong mang-iwan. In fact, inisip ko pang mag-nego ng mataas na rate. As if it can compensate sa pagod, inis at pent up stress na nararamdaman ko. Obviously sa umpisa pa lang mali ang tantya kong workload, masyadong mura ang pagbenta ko ng serbisyo ko, at hindi ko nai-account ang possibility that I have to work in an environment na zero systems. Baka rin akala ko talaga nung una papalpak ako ng bonggang bongga so safe na mas mababa ang presyo ko para at least walang sumbatan. E pero kinaya ko naman. Ang chaka naman kasi ng choices- walang ibang gagawa, hindi ko kayang amining hindi ko kaya, at ayokong mapahiya si friend. Magaling ako. Period. (At higit sa lahat sobrang yabang, I simply have to deliver at all costs. Ayan tuloy.)

Kung may malungkot (oo nga may malungkot) eto na ‘yun- na posibleng may mga friendship na nagbago ang hugis. Sana hindi. Pero baka naman hindi yung friendship, yung pagkakakilala lang namin sa isa’t isa, yung pagkakakilala ko sa sarili ko, yung value na binibigay ko sa kanila and vice versa, whatever and whichever.

Well, give or take and given the facts, in a few months time the friendships will change. We have all evolved, or we have seen each other in a different light. Ang sad. Mixed feelings ako. Ang difficult to see it as natural or nothing more than human from the perspective of someone who can understand human behaviour.

It’s too messy. Working with friends is just too messy. Minsan parang gusto kong sabihin sa sarili ko: What was I thinking? Why did I take these risks? I knew that things don’t happen the same way twice. I knew I can only help to a certain limit. I knew I can be too affected by my friends’ emo states. I knew that it seldom shows when I’m overburdened and I have a hard time asking for help. Haay...

What’s done is done. They will move on or move forward. As for me, iniisip ko pa anong susunod na extra challenge ko. Mag-rowing kaya ako? Mag pole dancing kaya? Mag-aral kaya ako ng byolin? I can spend time rediscovering myself anew. Try ko na lang ‘wag malungkot. Kung mag-isa ako e di ganun.

I took these risks because I wanted to believe the relationships I built over the years are strong enough. And I believe it to be so. If they are not, then I have to be strong enough to try building new ones... again.

{18 May 2010 around 7PM, La Luz Beach)