Monday 16 November 2009

Ang Libing ni Bathala

Hindi na maitanggi ang katotohanan. Kanser ang dahilan ng matagal na pagkawala ni Bathala. Para san pa ang lihim- patay na sya.

Nung kelan lang dinayo ko ang burol ni Bathala. Dinaanan ako ng nagbubunying si Gracia. Hindi sya nachugi, at sa halip pakiwari nya wagi sya ngayon sa lahat ng engakantong pumapaligid sa kanya sa Salapudin.

Syempre pa, nuknukan ng tsismis ang mga ganitong salu-salo. Nahahati sa apat ang mga dumayo sa burol.

Ang mga dugong bughaw. Kapag may namamatay, naglilitawan ang mga matalik na kaibigan. At sila ang pinakamadaling makilala. Sila ang sumasalubong at naghahatid ng mga bisita, walang kapagod-pagod nilang ikinukwento ang mga huling sandal. Pero ang highlight ng kwento nila ay kung pano silang napasok sa eksena; anong ka-award-award ang ginawa nila para i-deserve ang kanilang korona. For sure, mas sikat pa sila sa asawa ng yumao.

Ang mga alalay. Dalawa lang lumulutang sa mga burol; maliban sa mga dugong bughaw e eto na ngang mga alalay. Madali rin silang ma-ispatan dahil kung ang dugong bughaw ay nasa pinto, ang alalay ay nasa kusina. Dahil mas matagal magbabad sa burol ang mga alalay, sila ang susi sa buong kwento. Higit sa lahat, malalim ang pakiramay nila- isipin mo ngang hanggang sa kamatayan e mababang uri pa rin sila.

Ang mga usisera. Hindi lang naman tsismis ang pinupulot at ikinakalat ng mga usisera. Gifted sa walang hangganang kauhawan sa leksyon ang mga ito. Marami silang tanong, maraming ikinakabit na kwento galing pa sa kabilang karagatan o sa hindi kilalang kabundukan siguradong may kahawig ang istorya ng buhay mo. Ang malungkot, sa lahat ng dumadayo sa burol, ang mga usisera ang hinahabol ng kunsensya nila kahit bwan o taon na ang lumipas.

Ang mga tunay na nawalan. Samut-sari rin ang hitsura nila. Hindi lahat ng nawalan e humihikbi, humahagulhol at nagmumukmok sa isang sulok. Ang mga tunay na nawalan ang pinakamahirap makilala sa burol. Sila ang pinakaunang nagtatatwa na nawalan sila. Kaya naman iba’t-ibang anyo nila- may maingay na bumubunghalit o humahagikhik sa tawa, may inaantok pero gabi-gabing nariyan, at meron ding animo’y normal na nakikipag-kamustahan na kala mo e lingguhang misa lang ang dinaluhan nya. Makikilala mo lang sila dahil may moments sila; swerte mo kung hindi sa banyo mangyari ang moment nila.

May dahilan ako para malungkot. Kahit hindi ako natulungang ng Bathala sa oras ng pangangailangan ko sa kanya, naturuan nya ako sa maraming paraan. At ang pinakamahusay na paraan sa lahat ay ang pagpapakita nya kung paanong gawin ng mahusay ang trabaho at maglaan pa rin ng takdang panahon para sa pamilya at sa sarili.

Sa Bathala ko natutunang ang trabaho ay trabaho lang. Marami pang ibang bahagi ang buhay...

Wednesday 24 June 2009

Ang Naka-ambang Panganib kay Gracia

Masaklap ang balita tungkol kay Gracia. Pangalan nya ang lumutang sa listahan ng mga chuchugiin sa Salapudin, kapalit ng pagtaas ng sweldo ng lahat ng kutong lupa. Masaklap dahil mawawalan sya ng trabaho sa panahon ng krisis. Mas masaklap dahil sumabay pa sa balitang tadtad ng polyps ang parehong obaryo nya, na hindi pa nagluluwal ng sanggol. Ang pinakamasaklap ay hindi nya pa alam na machuchugi na sya.

Hindi sya dapat nakipagbanggaan sa Impakta. Hindi kakayanin ng isang kutong lupa ang mga ganitong kapangyarihan. Noon pa man tinipan ko na kasi ang luka-lukang ito. Wag kang makisali sa away ng Dyosa at ng Impakta. Clash of the Titans yan, at hindi ka Titan. Tigas ng ulo.

Simula’t sapol hindi na maganda ang dating Impakta kay Gracia, and vice versa. Wala naman sanang problema kung maiiwasang magbungguan ang dalawang ito. Pero hindi. Si Gracia ay alalay ng Dyosa at ng Impakta.

Madaling namili si Gracia- ang Dyosa. Ilang buwan pa lang sa Salapudin ginawa na nyang ninang sa kasal ang Dyosa. Dahil ang Dyosa ang pinakamakapangyarihan, ang salita ng Dyosa ay naka-taga sa bato. At ito lang ang sinusunod ni Gracia.

In fairness, hindi naman naisantabi ang Impakta. Tinapos naman ni Gracia ang lahat ng utos ng Impakta. Wala naman syang hindi inisnab... maliban na lang kapag itinapak ng Dyosa ang kanyang paa.

Hindi maiisahan ang Impakta. Hindi ng isang bagong saltang kutong-lupa. Alam nyang naglalaro si Gracia. At hindi nya ikinatutuwa ang pakikisaling-kuting ni Gracia. Ang idinidiin ng Impakta- hiniling nya ang kutong-lupang ito, kaya’t may karapatan syang mag-utos at masunod at pagwagian ang diwa ng aliping ito. At kung hindi, sisiguraduhin nyang babalik sa imburnal ang kutong-lupang ito.

Ngayon, kumakandirit ang Impakta sa Salapudin; animo super jolalay ng bagong Bathala. Bulong-bulungan, pinakikinggan sya ng Bathalang kuning-kuning ay may puso para sa mga kutong-lupa. At ngayon nga ay pinag-iisipan nang itaas ang moral ng mga alipin sa pamamagitan ng salapi; sabi-sabi higit pa sa pamantayan ng iba pang kaharian.

Nung kamakailan lang nakausap ko si Gracia. Ibinuga nya ang kwento ng kanyang pakikibaka sa pagbubuntis. Sa laki ng problemang ito, lumiit kay Gracia ang mga isyu sa Salapudin. Tipo bang kung hindi lang sya babahin, sigurado namang walang kapahamakan sa Salapudin. Umaasa pa nga syang tutuo ang sabi-sabi- na magpapamudmod ng salapi ang Bathala.

Hindi nagbabago ang opinyon ko- hindi sya aalis ng Salapudin. Kailangan nyang manatili doon... para sa ipinatatayong bahay, para sa gamot, para sa pag-asang may magandang kinabukasang naghihintay para sa kanya.

Sasabihin kaya ni Marichu kay Gracia?

Friday 19 June 2009

Ang Kaso ni Farah

Naghahanap ng trabaho si Farah. Kahat magkano, kahit ano. Pansamantala lang, habang naghihintay sya ng mas magandang alok para makalipad na ulit sya. Pansamantala lang, habang tinatapos nya ang isinampa nyang kaso.

Umalis ka na dito habang maaga pa; sayang ang ganda mo dito. Sinabi ko yan sa kanya dati pagtapos kong mabasa ang resume nya. Mahusay ang gaga, maraming talento hindi lang sa paga-admin. May kagalingan din sa pagbubuo ng konsepto ng mga visual design. Sa gabi, keri din nya mag-lead vocals sa isang bandang matagal na nyang ka-jamming. At oo nga pala, tapos sya sa isang mahusay na pamantasan.

Hindi lang yan ang kahanga-hanga kay Farah. Isa syang single mom; dinispatsa na nya ang asawang sinungaling. Aba’y ikaw na kaya ang magpaikot ng buong mundo mo sa isang pamilya para lang malaman mong habang pinaliliit mo ang mundo mo e may lakas ng loob ang jowa mong lumipad sa kalawakan at sabihin sa iyong: nalulungkot kasi ako.

Ibang klase ang karakter ng babaeng ito. Sa ngiti, akala mo mababaw. Bibihirang pumatol sa mga usapin ng isyu, pero pag bumanat sapul. Haba ng pasensya, pero pag bumwelta husgado ang diretso nyo.

Kanina ko lang nalaman. Sinampahan ni Farah ng kaso sa National Labor Relations Commission ang Salapudin- illegal dismissal. Chinugi pala sya base sa alegasyong may dinuktor syang reimbursement, na anya naman ay ginawa nya sa payo ng may hawak ng kaban.

Galit ang kutong-lupang ito. At nakakatakot syang magalit. Alam nya kung paano dinuduktor [ng mga may hawak ng kaban] ang mga kontrata at paniningil na ginagawa sa Salapudin.

Wednesday 17 June 2009

Ang Salapudin - Makalipas ang Anim na Buwan

May mga kaganapan sa Salapudin ngayon. Sa tutuo lang, masaya ako- bwahahaha. Pero sa kabilang banda, gusto kong pumirmi. Wala munang kibo, tahimik. May hinihintay kasi ako. Gusto ko nga munang burahin ang mga nauna kong blog tungkol sa Dyosa at Impakta. Hindi ko pa lang napigurahan kung pano, nagmamadali kasi ako ngayon.

Nanganganib ang Dyosa. Pero who knows, baka ang Impakta din. At wish ko lang, pareho silang mahulog sa bangin. Kahit hindi ako ang magtulak sa kanila, kaligayahan pa rin. Namamahinga ang Bathala, at ang mga Chos at kutong lupa ay pare-parehong walang katahimikan. Walang may katiyakan kung sino ang sipsip, sino ang alagad nino, at kung sino ang damay sa kalamidad nilang lahat.

Palakpakan, malapit na ang katapusan ng pantasya nilang lahat...


Yan ang isinulat ko nuong isang linggo. Nung sa kabila pa naka-paskil ang alamat. Ngayon, mas marami-rami nang nangyari.

Tahimik na sa Salapudin. Masyadong tahimik. Kanya-kanyang pag-iisip na ngayon. Wala nang gustong magsalita. Wala nang katiyakan kung sino ang tunay na kalaban.

Takot ang mga kutong-lupa: Sino ba ang sipsip? Kung pwedeng sumipsisp kanino ba dapat? Sino ang may pinakamaraming nalalaman at naiintindihan? Sino ang pinakamagaling ngayon at sino ang maaring malaglag? Wala akong alam, wala akong kinalaman. Kanya-kanyang dahilan. Ang tunay na pangungusap- wag nyong guluhin ang tahimik kong buhay (o hanap-buhay).

Walang katiyakan ang buhay ng mga Chos. May mga nakikitil na walang muwang, habang ang Impakta ay nagbubunyi at dahan-dahang nagtatayo na kanyang maliit na kaharian. Wala nang gustong makialam, masyadong magulo.

Luksa ang Dyosa. Galit. Masama ang loob. Tuliro. Walang kaibigan. Walang kaharian. Naiintindihan nya na kaya?

Na walang kaharian kung walang sinasakupan.

Kahapon Kanina

Tinapos ko na ang first draft ng ikalawang manual na ginawa ko para sa Salapudin. Tataya ako ng beynte singko, ang manual na yun ay tulad din unang ginawa ko- hindi na matatapos ever.

Tatlong piraso ng tsokolateng may etching ng Petronas Towers ang dinatnan ko sa mesa ko kanina. Pampalubag-loob iyon ng Dyosa na nagbakasyon ng isang linggo sa lupain ng kanyang irog. Kung dati rati kapag may ganito ay napapangiti ako, "how sweet" ang naiisip ko, hindi na ngayon. Alam ko na ang ibig sabihin ng mga ganito ngayon. Hindi na yun tanda ng pag-alala para sa akin. It's nothing more than compliance to a social obligation, ika nga.

Andyan na sya. Umaga pa lang ramdam ko nang hindi ko palulubugin ang araw na hindi ko sya nakakausap. Kelangan nya nang malaman. Kelangan nang mabunot sa dibdib ko ang pagpapanggap ko. Ayoko na sa Salapudin, aalis na ako.

Maghapon kong pinakikiramdaman kung pano ko sya kokornerin para kausapin. Syempre pa bisi-bisihan ang Dyosa. Umuusok na ang telepono at halos bumaon na ang keyboard ng laptop nya. Abala sa mga tawag tungkol sa stocks, sa tseke, at sa walang katapusang chat. Nang kapaguran nya ito, chugi-chugiin nya naman ang isang kawawaang kutong-lupa sa Salapudin. Kung bakit tuwing gagawin nya yun, bukas na bukas ang mga pinto at para bagang buong mundo ay gusto nyang maging saksi sa pagpapamalas nya ng kapangyarihan.

Sa isang banda, at sa isang ordinaryong araw, maganda ito para sa akin. Walang raratrat habang nagtatrabaho ako. Walang mangungulit sa mga walang kapararakang bagay. Pero hindi ito ang araw na iyon. May mga bagay na gusto kong tuldukan ngayon, at ngayon na. Liban sa pamamaalam ko, mahaba-haba na rin ang listahan ng mga desisyon na kailangan nyang gawin at kailangan ko ang mga iyon para maisara ko lahat ng zipper ng maletang gusto kong bitbitin, mga gawaing gusto kong tapusin bago ako umalis sa impyernong kahariang iyon.

Pasado alas-singko na rin nang makorner ko na sya. Isinara ko ang pintuan ng opisina nya at umupo ako sa harap ng mesa nya. Ganitong-ganitong nung una kaming nagpakilanlan. Ganitong-ganito tuwing gusto ko syang kausapin tungkol sa importanteng bagay. Isinasara ko ang pinto ng kwarto nya bilang senyales sa lahat na ayoko ng distorbo at kelangan ko ang buong atensyon ng Dyosa.

Maiksi lang ang usap. Sinabi kong December 17 na ang huling araw ko doon. Babalik ako sa eskwela, yun ang gusto kong gawin at hindi ko sya balak goyoin sa oras ko sa opisina.

Bakit December 17? Press release: paakyat ako ng Baguio. True confession kay Inday Badiday: birthday ng Impakta sa December 18 at taunang pinaka-huling pyesta sa opisina bago ito magsara; wala kong balak makipaglamay sa patay.

Tatlong sunud-sunod na punto lang ang sinagot/tinanong nya: 1) if that's my decision, what can she do, 2) may kilala ba akong pwedeng pumalit sa akin, at 3) kelan ko ba napagdesisyunan yun. At ang mga pahayag ko: 1) this is important to me, 2) mahirap maghanap ng tulad ko, at 3) August 29, dalawang araw pagkalipas ng deadline ng research proposal ko. Pahayag, dahil gusto kong itaas naman ang pagi-isip nya- basahin nya ang sinasabi ko.

Mas nangulit sya sa ikalawang punto. Kelangan nya ng kapalit ko. Sinabi ko naman, sa lahi ko ako na lang ganito. Lahat ng tulad ko, nagmamaneho ng sariling kotse - hindi sila marunong kumunsulta, sila ang kinukunsulta. Hindi ko sya pinaasa. (Ano ako gaga, manghilahod pa ba ako ng friend papunta sa imburnal e nasira na nga ang tyan ko sa kalalagok ng mga lumot nya?)

Kinambyo ko na lang usapan sa trabaho. Ako naman ang nagbigay ng deadline sa kanya. Kelangan nyang pagdesisyunan ano pang kelangan nya sa akin bago ako umalis. Bukas daw pag-usapan namin. Okey na sa akin yun.

Nagbihis na sya at gumayak patungong gym. Nagligpit na ako at gumayak pauwi.Closure? Wala. Relief? Meron. Justice? Delayed.

Ang Dyosa: Ikalawang Yugto

Tauhan ninyo ni Gracia ang admin, absent si Farah (na admin officer na at receptionist pa)..... Bakit ba sabay-sabay nagla-lunch break e nakita nang walang tao sa front desk (kapag lunch time)..... Wrong question ang 'busy ba ako', itanong mo kung humihinga pa ako (habang nakikipag-chika sa laptop with matching headphones at microphone).

Ano bah! Thoughtful naman sya: Gracia, bakit napansin kong parang malamya lagi ang boses mo (ginagatungan ka ni Id, ano?)..... Farah, kelangang ibahin ang ayos ng opisina; nagkakasakit ang mga tao at nagkakaaway-away ang mga staff, magtawag ng feng shui expert (hindi ako may kagagawan nito, may mga forces of nature na dito!).....Id, kelan ba matatapos yang directory na yan (na hindi nagawa ng receptionist nung Inception pa lang ng project), yang problema sa online newsletter (na dapat sana ay hinaharap mo habang nagoo-organize ka ng bonggang okasyon na gaganapin in 13 days), at yang mga articles na dapat ilabas na next week (kahit wala pang substantial na laman) nag-aalala na ko ha!!!

Abalang-abala ang opisina. Kaya nga kailangang intindihin ng isang empleyadong tulad ko na kailangang isa-isantabi na muna ang Official Complaint ko. Nangako naman sya na aaksyunan yun, kelangan ko lang syang bigyan ng panahon. Kunsabagay, technically speaking, may humigit kumulang tatlong buwan pa naman bago matapos ang kontrata ko. Ibawas mo na ang walang pasok.... (Sumahin nyo, mahina ako sa Math!)

Kapag nangyari yun, pwede namang mapagod na ako at ako na mismo ang magboluntaryong hindi na 'ko magre-renew ng kontrata. Hindi ba mas madali yun? Hahayaan nya na lang na, sa sarili nyang mga salita, "Ang asar, talo".

Kahanga-hanga ang Dyosang itez! Matapos nyang pingpongin ang mga liham namin ng Impakta bilang bahagi ng kanyang "transparency", bitin pa sya sa mga eksenang kaguluhan sa Salapudin.

Para sa ikaaaliw nya, sana napapanuod nya kapag:
umaatungal ng awiting "Honesty" ang Impakta habang umiihi sa banyo dahil halos katabi ng banyo ang cubicle ko
umiismid-ismid ang kulubot, nanunuyo, at tabinging pisngi at labi ng Impakta kapag nagsasalubong kami sa mga eskinita ng sosyal na opisina nya
o kaya'y kapag bumubulahaw ng mga katagang "there goes the immoral" ang Impakta habang magkasabay na naglalakad sila ni Bakekang.

Aminin. Kakaaliw ang Dyosa. Marami na akong nakilalang manager, at wala ni isa mang kasing-juvenile ng babaeng ito. Ikakatutuwa nyong malaman na ang babaeng ito, maliban sa nakatirintas nyang mga medalya sa eskwelahan, ay linsensyado rin sa personality counselling. (Sinasabi ko na nga ba, walang kakwenta-kwenta ang sikolohiya!)

Gusto mo ng participants sa training? Bayaran sila. Gusto mo ng haytek na e-system na walang makaintindi, magluwal ng milyones. Gusto mo ng lean and mean staff? Murahin mo sila; wala namang ibang pupuntahan ang mga yan dahil mahirap maghanap ng trabaho ngayon 'no.

Itong mga huling araw, suyang-suya na ako sa Salapudin. Kahapon lang, parang ginagapangan ng isang milyong langgam ang aking fez. Inaatake ako ng skin asthma sa nagkalat na dumi sa hangin ng opisinang ito. Mas masarap pang maglamyerda sa Trinoma.

Naiisip kaya nya, na maaring hindi ko na maulit ang pagtitimping ginawa ko sa bonggang okasyon na yun? Sumasagi kaya sa wisyo nya na maaring layasan ko na lang bigla ang trabaho ko? Naiintindihan kaya nya na hawak ko ang baul ng mga dokumentong pwede nyang ikamatay? Alam nya ba na walang ibang may alam o nakakaintindi ng lahat ng ginagawa ko at lahat ng sistemang inilagay ko sa punyetang website nya? Kelan kaya sya matatauhan na sa isang pindot ng daliri ko, pwede kong isambulat sa isanlibo ang mga kalokohan ng proyekto nya?

Dumapo na ba sa maliit na utak ng Dyosa ang impyernong pwedeng gawin ni Id?

Ang Dyosa: Unang Yugto

Ayoko ng putik! Ay, Manong. Nakikita kita at ang di-mapantayang acting mo.

Ang panghihilahod na ito ay hindi ko sisimulan sa putik. Para sa isang Dyosa, uumpisahan ko ito sa mga ulap at isang karatulang ganito ang nakasulat...

BABALA: May kulay kahit sa mga color-blind. (Ay! Meron naman talaga di ba?)

Dyosa. Paano ba ipinipinta ang kagandahan at aliwalas ng katagang ito?

Bago pa nakilala ang teleseryeng Dyosa, isinapelikula na ito. At bago pa naging pelikula, ang Dyosa ay nakataga na sa makulay na kultura ng Pinoy. Hindi naman kasi orihinal na maka-lalake ang haligi ng ating lipunan. Nauna na ang mga babaylan sa mga pari. Nasa pedestal na ang mga engkantada nang naipakilala ang mga engkantong may puso.

Hindi ko nakikita yun bilang patunay ng kalakasan ng mga babae. Nakikita ko yun bilang posibilidad na tutuong ang mga babae ay ipinanganak na may katauhang parehong babae at lalake. (ISANG

PAALALA: May kulay at may reli ang pangungusap na ito.)

Ang Dyosa ay simbolo ng kapangyarihan. Simbolo lang. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na hindi gagana ang kanyang powers kung hindi sya sasambahin ng mga kutong-lupa. Kahit pa sa isang nakaprogramang computer software, ang kapangyarihan ng Dyosa ay pumapalya din. Kahit sa mukha ng nagkikinangang mga brilyante, hindi maikukubli ang tutuong kulay ng kanyang balat. Kahit pa sa ilalim ng matatalinhagang tula, hindi madadaya ang kakulangan nya sa talino.

Ang Dyosang tinutukoy ko ay isang tao lamang, na sa katotohanan ay nagtatago sa likod ng pag-aalinlangan. Kaya nya bang ilantad ang kanyang tunay na kasarian? Kaya nya bang ibulalat ang kanyang kaduwagan? Kaya nya bang unawain lahat ng buong puso at hindi lang sa kanyang pansariling kapakanan?

Hindi pa ako naging manager. Malamang ang pinakamalapit na ay ang matawag akong team leader. Salamat sa poon, at hindi pa at sana ay hindi kailanman. Hindi kasi madaling maging manager.

Mahirap mapalibutan ng mga alipores na hindi mo lubusang nababasa- maraming ganito na pawang mga sipsip lang. Mahirap mamuno ng mga taong higit pa ang nalalaman at karanasan- maraming ganito ang susunod lang para sumunod, hindi para maniwala. Mahirap magpanggap na patang-pata na ang katawan at isip mo, kung alam mong sa tutuo lang ay nagpapalipas ka lang ng oras.

Sa mga unang bwan nang magsama kami ng Dyosa, pinilit kong makita lahat ng kapuri-puri sa kanya. Dalawang dahilan:

(1) Mabigat ang ginto at kapag nasilaw ka sa kinang nito, bago mo mamalayan ay ikaw mismo ang kukumbinse sa sarili mong que ber na sa lahat: this is it pansit, hulog sya ng langit at malamang anghel sya.

(2) Dinesisyunan ko na ito. Sya ang hinirang kong Dyosa at sasambahin ko sya. Bawat araw kailangang kong ipaalala sa sarili, na iginuhit ng tadhanang magkakilala kami. Sa buhay ko, pupunan nya ang kakulangan ko at ituturo nya ang landas na hindi ko pa tinahak.

At tutuo naman pareho ang nasa above. Lalo na nung kanang kamay ako ng Dyosa, tulo laway sa inggit ang mga kapwa kutong-lupa ko habang halos kusang sumabog sa ngitngit ang mga maliliit na Dyosa (na tatawagin kong 'Chos').

Konting panahon pa at naintindihan ko na. Gusto ako ni Bathala. Yan ang tutuong dahilan kung bakit maingat sa akin ang Dyosa. Bwisit ang Bathala sa Impakta, na kaibigang ipinagtatanggol ng Dyosa.

Eto naman kasing si Bathala, kung bakit matanda na- sakitin at iniwan kaming nakalambitin. Todo kinang ang korona ng Dyosa, habang ang mga Chos sa gilid ay tumutuligsa at mistulang pipi ang mga kutong lupa.

Isang matandang dalaga ang Dyosa, na hinubog ng matalinong institusyon at nilublob sa pagsasanay ng dayuhang organisasyon. Maitim sya, may saya ang ilong, at bukol-bukol na sa masasagwang bahagi ng katawan.

Bulung-bulungan sa kainan na sa kabila ng regular na pagsisimba at kaliwa't kanang kawang-gawa, kloseta ang lola mo. Sabi-sabi ng matatanda, walang tunay na tumatao sa trono. Ngisngisan ng mga bata, hindi nya alam ang kanyang ginagawa. Ebanghelyo ng guro ko, ang katauhan ay nasa gawa.

Ano nga bang ginagawa ng Dyosa ngayon?

Pusoy Dos

Abot hanggang 10th floor ang taas ng ihi ng Dyosa kanina. May mga dayo na ang pakay ay magmalaki ng kagalingan ng kanilang web portal. Hindi lang sila magaling, mabait din sila dahil inaanyayahan nila kaming gumamit ng portal na yun. Lingid sa kaalaman nila na sa Salapudin ang web portal ay walang kasing sopistikado. This is IT- ito na nga ay tinatawag na "haytek". At lahat yan ay sa ilalim ng pamamahala ng Dyosa.

Ang abang kutong-lupang ito ang may-ari ng pinaka-pigil na ngiti at timping kagalakan. Hello? Ako ang nagpagalaw ng lahat ng ito, mula konsepto hanggang paggawa. At masaya ako na kapag ganitong payabangan na, hindi mapapahiya ang Dyosa.

Sa mga huling sandali bago nag-umpisa ang miting na ito, dito nakatutok ang isip ko. Ilang araw kong pinupukpok ang web developer na linisin ang lahat dahil ayokong-ayokong sumablay ang Dyosa. Kahit nga nang magmwestra ng pamumulaga ang Impakta kanina, hindi ako nagulat. Isip ko lang- "nye, ano naman yun". Hindi nya ako binulaga ng pabiro, ginugulat nya ako ng pananakot na parang mahahagip ako ng mga braso nyang winawagayway sa hangin. Well, buti na lang at hindi ako nahagip kundi... Hmmmmm

Buong akala ko, maganda na ang araw. Paalis na ang bagyo. Tama na ang mga kahapon. Pero (time), binulaga na naman ako:

FW: OFFICIAL COMPLAINTSent: Tue 9/23/2008 12:13 PM
Hi XXXX:
Here is the response. Please see me. Thanks, XXXX

xxxx

From: xxxxxxxxx xxxxx
Sent: Tuesday, September 23, 2008 11:45 AM
To: **** ******
Subject: RE: OFFICIAL COMPLAINT
Importance: High

Dear xxxxx,

This is to put on record that I deny having done this to the COMPLAINANT, and that I am requesting for a FULL FORMAL INVESTIGATION on the allegations, for the protection of both parties and that of (this firm).

While there had been initial agreement that this can be dealt with quietly within the office, I was advised by my lawyer that the complaint is written, and to not respond will put my reputation as a professional, on the line. For the record, the COMPLAINANT will have to prove beyond reasonable doubt that the “physical assault” actually occurred, unless otherwise she will have to explain why she should not be charged FOR MALICIOUS INTENT.

A resolution has to be achieved, for the common good.

Thank you.xxxxx

Hagya nang nakailag ang laptop sa pagkabog ng dibdib ko. Kainez. Ang dami ko pa namang inilistang gawain para sa maghapon. Hala, text kaliwa't kanan- kelangan ko ng abogado. Putang-ina nila, magkita kami sa korte. Todo na 'to.

Wag daw akong mag-alala, praning lang yun kaya nananakot. Protocol ang ginawa ko. Ipunin ko na lahat ng record ng exchanges. Yan ang advice ng abogado. May nagsabi rin na maghanda na sa kaso, magfile na ako ng two weeks notice. Hindi ko sinang-ayunan yun. Ibang level na itu, dinala na nila sa usaping truth (baka may justice at liberty pang involved, for all I know).

Come 5:30, ayan na at kami ng lang Dyosa ang naiwan sa Salapudin. At noon kami nagkakikilala.Anya, sa tingin nya nasa akin na ang bola; nasa akin na ang burden of proof. Matagal ko nang hindi ginagawa, pero bumalikwas ako sa upuan at nagwikang: "Hindi ko ito nakikitang ganyan. Nasa iyo na ang bola. Nag-file ako ng complaint, sumagot sya, at ngayon kelangan mo nang makialam".

Nakakalito na raw kami, sabi ko may nangyari at dinedeny naman ng Impakta. Tinanong ko sya kung alam nya ang tungkol sa text ng Impakta. Alam nya. Sabi ko, di ba sya ang inconsistent? Di ko alam san sya nanggagaling sa email nyang yun. Umamin na sya ng pagkakamali, at walang ibang pinuntahan ang complaint letter ko maliban sa Dyosa (at sa blog ko!) kaya anong malicious intent dun.

Ikunwento ko sa kanya ang Alamat ng Bruha, ang nagsabi sa aking napakamahal kong EA at sayang naman ang pinakain sa akin sa mamahaling hotel kung napakasimple ng trabaho ko. (Ang Bruha ay isang dating consultant din na umalis naman isang buwan pagkatapos ng walang kawenta-kwentang soap opera nya sa TV network na ito.)

Dito naman namulagat ang mata ng Dyosa. Matagal ko nang alas ito, na hindi ko inilalabas dahil pusoy dos ang laro at kahit wala kang dos mataas na rin naman ang alas para makapagtawag ka man lang ng tira. "That was very unprofessional", anya. at itinuloy ko ang punto ko- alam ko kung paano tumahimik, pero hindi pwedeng lagi na lang dahil mali yun. Kung aatras ako ngayon, paano ko na titingnan ang sarili ko ten years after? At itinulak ko na ang kariton: dito dinala ng Impakta ang usapan, hindi ako aatras. Gawin nya lahat kung gusto nya. Walang mag-uumpisang gulo mula sa akin, pero wag silang umasang aatras ako. Sabi ko nga di ba, todo na to.

Ano daw ang gagawin ko. Sabi ko wala. Ikunwento ko ang pamumulaga kanina. Nagkomento ako- disappointing, childish. Napakarami ko pang kelangang gawin at binubwisit ng isyung ito ang mga plano ko.

Piling-piling Linya #1:
Those emails will not even hold admissible in court.

Piling-piling Linya #2:
Para sa akin, ang asar talo.

Piling-piling Linya #3:
I bounced those emails between you and her in the interest of transparency.

Eto. Eto ang mga paborito kong linya na nagpakilala sa akin kung hanggang saan ang powers ng Dyosa- sa puso, sa isip, at sa gawa.

Hindi pala talaga tutuo: na lalake lang ang pwedeng maging bakla.

Tutuo pala: na kahit babae pwedeng magkaron ng bayag.

Isang alamat lang ang Dyosa. Kahit sya, alam nya ito. At sa susunod na kabanata ng seryeng ito, hihilahurin ko ng putik ang Dyosa.

Nganga

Isusulat ko sana ang Ang Dyosa, pero pakiramdam ko hindi pa kumpleto. May hinihintay pa ako sa simoy ng hangin; hindi ko alam kung bagyo ba o katahimikan ang bubulong ng mga susunod na talata. Para sa mga nag-iisip kung ano ba ang laman ng liham, isusulat ko ang ebolusyon ng putang-inang liham na yan.

Hayaan nyo munang libangin ko kayo habang nililibang din ako ng Dyosa at ng Impakta. Hayaan nyong habang walang gumagalaw sa gilid ng bangin, nguyain ko na rin muna ang sitwasyon. Ika nga, pumalibot tayo sa apoy at magnganga.

Wed 9/17/2008 12:49 PM (bago mag-lunch break)
Dear ****,

This is to formally file an incident report.

I am referring to an event that transpired during the _________ in September 10, 2008 at the _________ Hotel where I was tasked as a support staff to the activity.

During the said event, I was managing the line up of candidates in the main entrance of the function room. Ms. XXXXX XXXXXwas giving me instructions regarding the plaques that were arriving late. In a moment of confusion and high tension, Ms. XXXXX held my jaws by her two hands to clarify her point. This was apparently witnessed by some project team members namely _______, __________, __________, and some of the _______ and guests.

While I must have been confused and probably looked stupid, to have misunderstood her instructions and repeatedly ask her questions during the activity, it is my personal opinion that no amount of impatience or anger at any such situation merits a physical contact with me particularly:with regards to my head, during a professional activity, and in the presence of anyone.

I dismissed the act during the event because I believe in the higher importance of the task at hand. I dismissed the event in the succeeding days because I do not intend to raise objective issues that are vital to the organization when emotions are still running high. I dismiss the recollection of that incident even as I write this because I would like to believe that it was nothing more than an isolated case.

However, I would like to put into record that it has happened in this office where we spend everyday and seek to accomplish goals that are much higher than our personal issues. I would like to personally achieve a closure on the said incident by knowing that I have informed you, as my direct supervisor, of my experience so that this will never happen again to anyone else. Further, I would like to stress that I am aware of and I understand the implications of what Ms. XXXXX did to me (whether intentionally or not) and I chose to dismiss it at the time for what I believe was more important.

Know that I do not and will not keep it as a personal grudge, nor will it keep me from performing tasks assigned to me.****

Eto yung pinuring "maganda" at "matured", at binating "Inconsistent- Official Complaint ba ito o Incident Report". Ang focus question para sa ikalawang draft ay: "Pagkatapos ng nangyari, anong gusto mong redress/reprimand?". Kaya ito ang edited version:

Thu 9/18/2008 5:07 PM (bago umuwi)
Dear ****,

This is to formally lodge a complaint against Ms. XXXXX XXXXX in relation to her actions towards me during the ____________ in September 10, 2008 at the ___________ Hotel where I was tasked as a support staff to the activity.

During the said activity, I was managing the line up of candidates in the main entrance of the function room. Ms. XXXXX was giving me instructions regarding the plaques that were arriving late. In a moment of confusion and high tension, Ms. XXXXX held my jaws by her two hands and shook them to clarify her point. This was apparently witnessed by some project team members namely _______, _______, _______, and some of the _________ and guests.

While I must have been confused and probably looked stupid, to have misunderstood her instructions and repeatedly ask her questions during the activity, it is my personal opinion that no amount of impatience or anger at any such situation merits a physical contact with me particularly: with regards to my head, during a professional activity, and in the presence of anyone.

I dismissed the act during the event because I believe in the higher importance of the task at hand. I dismissed the event in the succeeding days because I do not intend to raise objective issues that are vital to the organization when emotions are still running high. I dismiss the recollection of that incident even as I write this because I would like to believe that it was nothing more than an isolated case.

However, I would like to put into record that it has happened in this office where we spend about eight hours everyday and seek to accomplish goals that are much higher than our personal issues. I would like to personally achieve a closure on the said incident by knowing that I have informed you, as my direct supervisor, of my experience so that this will never happen again to anyone else. I would like to stress that I am aware of and I understand the implications of what Ms. XXXXX did to me (whether intentionally or not) and I chose to dismiss it at the time for what I believe was more important.

Further, I would like to assert my right as a worker and as a human being. I will require an apology letter from Ms. XXXXX, addressed not only to me but to those who witnessed the event with the Project Managers copy furnished (namely you and Mr. ******* ****). The apology letter will serve as her admission of guilt for the social misbehavior that she has committed, and it will explicitly state her promise to never commit the same act and instead conduct herself accordingly as a professional and as human being in the future. From the management, I expect a formally documented warning regarding this incident.

Despite these, know that I do not and will not keep a personal grudge, nor will it keep me from performing tasks assigned to me.

Sincerely,****

Eto naman ang sinitang "demanding" at "prescriptive":
Fri 9/19/2008 12:11 PM (bago lumayas para maghalf-day)
Dear ****,

This is to formally lodge a complaint against Ms. XXXXX XXXXXin relation to her actions towards me during the ____________ in September 10, 2008 at the _________ Hotel where I was tasked as a support staff to the activity.

During the said activity, I was managing the line up of candidates in the main entrance of the function room. Ms. XXXXX was giving me instructions regarding the plaques that were arriving late. In a moment of confusion and high tension, Ms. XXXXX held my jaws by her two hands and shook them to clarify her point. This was apparently witnessed by some project team members namely ___________, ____________, __________, and some of the ________ and guests.

While I must have been confused and probably looked stupid, to have misunderstood her instructions and repeatedly ask her questions during the activity, it is my personal opinion that no amount of impatience or anger at any such situation merits a physical contact with me particularly: with regards to my head, during a professional activity, and in the presence of anyone.

I dismissed the act during the event because I believe in the higher importance of the task at hand. I dismissed the event in the succeeding days because I do not intend to raise objective issues that are vital to the organization when emotions are still running high. I dismiss the recollection of that incident even as I write this because I would like to believe that it was nothing more than an isolated case.

However, I would like to put into record that it has happened in this office where we spend about eight hours everyday and seek to accomplish goals that are much higher than our personal issues. I would like to personally achieve a closure on the said incident by knowing that I have informed you, as my direct supervisor, of my experience so that this will never happen again to anyone else. I would like to stress that I am aware of and I understand the implications of what Ms. XXXXX did to me (whether intentionally or not) and I chose to dismiss it at the time for what I believe was more important.

That being said, I propose that the management address this incident by acting according to the company policies not only because her behavior was offensive to myself but also because it presented a negative image of this company’s work ethic. I believe that Ms. XXXXX should issue an apology letter that recognizes the error of her action and commits to not commit such action in the future.

Despite these, know that I do not and will not keep a personal grudge, nor will it keep me from performing tasks assigned to me.

Sincerely,****

Ang credits nyan ay para kay Kiel. Salamat sa 'yo, btw. Haay, the pleasure of having a friend that is only a few fingers away....

Kung sarili kong pananaw ang basehan, tama na yung unang draft. Dun pa lang, kung may matinong pag-iisip ang Dyosa, dapat inaksyunan na kasi nasa kanya na ang bola. Gayunpaman, aaminin kong masarap din naman ang pakiramdam ng ikalawang draft. Dun ko naramdaman yung release ng galit na nararamdaman ko pala (at oo, matagal na 'kong hindi nagsusulat ng ganitong palaban!). Yung ikatlong porma nya? Yun kawalan na ng gana yun. Sa madaling sabi: "Bahala kayo, binaboy nyo ako at gusto kong lumuhod kayo", at kung hindi... "Talagang baboy kayo!"

Ang Impakta: Ikalawang Yugto

Ang Impakta ay isang balo na may tatlong anak. Sa maagang edad pa lang na 37 ay yumao na ang kanyang asawa, na naging hudyat ng maraming pagbabago sa buhay nya. Tumindi ang pang-aapi sa kanya ng angkan ng pamilya ng asawa nya, lalo na sa usaping pampinansya.

Dumaan din sya sa maraming sakit ng ulo sa mga anak nya na sa awa ng Dyos ay mga nasa hustong gulang na rin ngayon. Hindi ko na gustong pag-usapan pa sila. Sapat na sigurong banggitin na maayos naman ang kalagayan nila bagamat hindi rin naman kagandahan ang kinahantungan ng kani-kaniyang buhay.

Sa sariling bibig ng Impakta ko nalamang magkababata sila ng yumao nyang asawa. Dati itong kaulayaw ng pinsan nya. Bata pa sila nagpakasal, buntis na sya noon. Siguro dahil nga deadbol na ang jowa kaya ang mga kwento nya sa kanilang pagsasama ay puno ng pagmamahalan. Nakakaaliw naman kapag ikinukwento nya ang kanilang mga road trip bilang pamilya, at ang lahat ng panunuyo sa kanya.

Nang yumao ito, nagkaron din sya ng boyfriend na ikinagalit lalo ng buong angkan hanggang lumayo silang mag-iina para maiwasan ang mga bubung-bulungan sa maliit na bayan. Kung ilang beses ito naulit, hindi ko na alam. Ang maliwanag lang sa kwento ay nagsumikap syang itaguyod ang mga anak nya at ang sarili nya sa kabila ng lahat ng ito.

Ang kumpanya kung san kami kapwa nagtatrabaho ngayon ang malinaw na nagbigay ng panibagong lakas sa Impakta. Dito sya nagsumikap na magningning. Ipinasok sya dito ng isang kaibigan nya sa huli ay naging kaaway din nya. Mahabang kasaysayan din ito. Sabihin na lang natin na sa buod ay umalis ang kaibigan nya dahil sa paglaganap ng mga balita at opinyong dapat sana ay sa pagitan na lamang ng dalawang tunay na magkaibigan. Malungkot kung iisipin, dahil ang kaibigan nyang ito rin ang tumulong sa kanya upang ligal nyang maipaglaban ang karapatan nilang mag-iina sa yaman ng pamilya ng asawa nya.

Ang tanong: Mahusay ba sya sa gawain nya? Ang sagot: Hmmm, hindi masyado. Marami akong kilalang mas mahusay sa kanya. May mga butas sa konsepto pa lang. At may malalaking palya sa implementasyon. May katamaran sa pag-unawa ng teknolohiya. Pero higit sa lahat, control freak kasi. Laging takot na ipagkatiwala ang mga gawain sa iba. Sa halip tuloy na maging mas masinop, nagkakabuhol-buhol sa kawalan ng sistema o sa mga prosesong paikot -ikot.

Pero que ber na. Balikan ang payak na basehan: Matalas bang mag-isip?

Piling-piling Eksena #1
Impakta: "Alam mo matagal na akong naghahanap ng librong nagdi-discuss ng history sa likod ng Bible."
Sr. Specialist: "Walang ganun. Kelangan mong maghanap ng iba't-ibang libro ng History at Anthropology at dun mo ikabit ang analysis mo."

Piling-piling Eksena #2
Kapwa Specialist: "Dear All, I have taken the initiative to articulate the framework of the policy component of our project. See attached, for your comments."
Impakta: "I wonder how _____ will integrate the reports given the different formats we are using."

Piling-piling Eksena #3
Impakta: "You need to teach us how to sue the RMS then if it will provide us the privacy we need for our documents."
Staff/Alyas Kutong-Lupa: "Matagal nang itinuro 'yan. Binigyan ko pa nga lahat ng guidelines bago pa tayo nag-umpisang mag-load ng files sa system."

[REMINDER: Hango sa mga tutuong pangyayari ang mga piling-piling eksena. Walang kulay para sa mga color-blind.]

Isang malaking babala sa amin ni Gracia nang mamutawi sa labi ng Impakta sa isa-isa nyang pinaalis ang mga kasabayan nya sa kumpanya hanggang sa ngayon nga ay sya na ang "pinaka". Binanggit nya noon na pakiwari nya ay may mga sumusubok na patalsikin sya at anya, "Subukan lang nila". Nag-umpisa syang pinakakawawa sa lahat at unti-unti nyang pinatunayan ang sarili nya hanggang sa ngayon ay marami na syang nalalaman.

Kung tutuusin, kaawa-awa ang Impakta. Wala syang pinagmulan, at wala syang patutunguhan. Kung tutuusin, ang kasaysayan nya ay sapat na para maintindihan ng lahat na ilalaban nya hanggang wakas ang anumang meron sya at sa tingin nya ay narating nya na dahil ito na yun at wala nang iba. Kung tutuusin, desperado ang Impakta. At alam na natin, ayon kay Sun Tzu, kung paano lumaban ang mga desperado.

EPILOGUE
Kagabi lang ay natanggap ko ang text na ito mula sa Impakta:

Hi Id, got the forwarded email from Dyosa. I've requested for a meeting on Monday to discuss your issue. For now, please accept my apologies for the experience, it was not intended as such. Thank you.

Ang Impakta: Unang Yugto

Karaniwan nang ginagamit ang mga bansag na Halimaw, Tyanak, at ang walanag kamatayang Bruha. May mangilan-ngilang gumagamit ng Impaktita. Sa isang banda, naging katuwaan na ang ganitong tawagan lalo na sa mga magkaka-close. minsan ang ganitong tawagan ay may halong paglalambing na rin. Sa tingin ko, ito'y pagkilala rin sa mga hindi pangkaraniwang powers ng mga elementong ito.

Sa kabilang banda, ang ganitong pagtawag ay may kahalong pangungutya na dala ng pagkainis dahil sa di maipaliwanag na kalupitan ng taong tinutukoy. Karaniwan na sa mga Pinoy ang paggamit ng malinaw na pantukoy bilang paraan na rin ng pagkilala, sa pag-asang mapapawi ang takot kapag kilala mo ang tinututkoy mo. (Hmm, Pinoy kaya si Harry Potter?)

Sa kaso ng matandang Impakta na madalas kong banggitin ngayon, hindi Impakta ang pinakauna kong binansag sa kanya. Nauna ko syang tinawag na Dona Claudia, dahil na rin siguro sa paghahambing ko sa kanya kay Amor Powers na matindi nyang katunggali. Si Amor Powers naman ang sa ngayon ay tinatawag kong Dyosa.

Eto ang kwento ng Impakta, na ilalahad ko sa tradisyon ng Pips, hindi pa sa dahilang mahal sya sa akin kungid dahil makulay din ang pagkatao nya. Higit pa dun, di ba nga ang claim ko ay disipulo ako ng Desiderata? At ang sabi: Even the dull and the ignorant, they too have their story. Kaya ito...

Una ko syang nakilala sa kanyang resume na nakakabit sa bibliya ng proyektong kinasasangkutan ko. Datihan na sya sa kompanyang ito bilang Project Officer sa nagdaang proyekto, bagamat hindi kasintagal ng ipinangangalandakan nyang labindalawang taon. Sa katotohanan, wala pang sampung taon ang pangkalahatang karanasan nya sa development projects. May ilang taon din sya sa gawaing pang-edukasyon bilang isntructor at Dean of Student Affairs ng isang kolehiyo sa Cagayan na pag-aari ng yumao nyang asawa. Sa ngayon, BOD pa rin sya ng kolehiyong iyon. Liban dun, may maiksi syang karanasan bilang assistant sa isa namang kompanya ng interior design. Napuna ko ang Masteral degree nya sa English, na inumpisahan at tinapos kasunod ng isa pang masteral degree na hindi niya natapos (HRM ata?).

Natanong ko syang minsan kung Ibanag sya, at sabi nya ay Itawis daw. Ewan ko ba, parang magkahawig naman ang kulturang yun. Kaya ang pakiramdam ko, iniiwasan nya lang ang mga negative stereotypes ng tribo nya. Wala namang problema sa 'kin yun, sa tutuo lang, dahil sa Nueva Vizcaya nga ay pinaghalo-halong kalamay ang mga tribo. Isa pa, Gaddang nga ang jowa ko. Kinaiinggitan ko pa nga ang mga ganito, kasi nga ako'y walang malinaw na tribong kinabibilangan- basta Kyusi ang aking lupang sinilangan, mahirap nang ipaliwanag ang porsyento ng lahat ng dugong pinaghalo-halo sa katauhan ko.

Ibibilang ko ang Impakta sa Top 5 na prettiest old women na nakilala ko sa tanang buhay ko. May pagka-mestisahin sya, yung tipong kahit walang make-up at naka-duster ay masasabi mong maganda. Hindi ko pa rin sya ever nakitang hindi maayos ang pamumustura- mula buhok hanggang kuko, mula damit hanggang sapatos- 'day, walang sumasalya sa kombinasyon. Sa edad nya, hindi pa rin maaring hindi ka lumingon kapag dumaan ang Impakta.

Yun lang, wala pa rin akong nakilalang hindi nagsabing mahirap pakisamahan ang Impakta. Lahat ay may kanya-kanyang kwento sa pagsayaw sa tugtog nya, mula sa Dyosa hanggang sa mga kutong-lupa. Matabil ang dila nya, at may asta ang kahit gaano kasimpleng pamumuna na mamumutawi sa magaganda sanang labi nya. Markado ang pamumulagat ng mga mata nya tuwing may ipararating syang punto.

Tatlong bagay ang pinagmumulan ng powers ng Impakta. Una, matanda na sya. Hindi mo gugustuhing magmistulang walang galang sa matanda kaya walang gustong makipagbanggaan sa kanya. Ikalawa, isa sya sa mga pinakamatatagal na sa kumpanya. Tuwing may sasabihin syang mga nakasanayan sa pamamalakad ng kumpanya, hindi mo maiiwasang tumahimik na lang at isiping baka ikaw ang nasa maling lugar. At iaktlo at pinakamalakas sa lahat, KC nya ang Dyosa. Kapwa sila mahilig sa pagsa-shopping, at di mabilang ang mga kwento nila ng pagsasama sa napakaraming karanasan. Ang ikatlong power na ito ang pinakamahirap tantyahin sa lahat.

Sa pag-aaral ko, masasabi nating magkasama sila ng Dyosa sa at least four social gategories: parehong babae, parehong Ilocano-speaking, parehong matanda, at pareho ng mga libangan. Ang mga common membership na ito ang maaring magtulak sa kanila upang maging magkakampi sa mga isyung tatapik sa mga kategoryang nabanggit ko.

Sa Dyosa ko nalaman ang maraming bagay tungkol sa personal na nakaraan ng Impakta, dahil nga naging linya na ng Dyosa ang mga katagang, "You have to understand...."

Tumbang Preso

Sinalubong ko ng buntong-hininga ang pagdilat ng mata ko kaninang umaga. Ikatlong isyu ng buhay ko ang paplantsahin ko ngayon.

Nung September 15, dumaan ako sa isang ritwal na inimbento ko para sa ikatatahimik ng puso ko. Isusulat ko yun sa isang hiwalay na blog. Dalawang araw pagkatapos nun, inilahad ko naman sa Dyosa ang hindi kagandahang karanasan ko sa mga kuko ng Impakta. Sa araw na ito naman, tatapusin ko ang proseso ng pansamantalang pamamaalam ko sa pag-aaral. Lahat ng ito ay pawang mga kalmot sa dibdib ko.

Naisip kong maging pasaway sa araw na ito. Alas diyes na ako pumasok ng opisina, at sa halip na magbihis pormal ay nag-tshirt, maong, at rubber shoes ako. Tutal maghahalf-day ako ngayon para lakarin ko nga ang mga papeles ko sa eskwela. Tapos na ang desisyong ito. Hindi ko maharap ang pag-aaral sa gitna ng tambak na trabaho, at hindi naman magbabago ang ganitong skedyul ko hanggang sa susunod na sem kasi nga hanggang Disyembre ang kontratang gusto kong tapusin. Ang kailangan na lang talagang gawin ay kaladkarin ko ang mga paa ko para makapagpaalam ng maayos sa eskwela.

Aakalain ko bang babalikan pa namin ng Dyosa ang lecheng sulat ko? Sa ikatlong pagkakataon, gusto niyang papalitan ang laman ng sulat. Masyado daw akong nagde-demand, hindi maganda ang dating na very prescriptive daw. Ano raw ba ang gagawin ko kung hindi mangyari ang mga hinihingi ko: magsasampa ba ako ng kaso? Anya, kapag ganun katindi ang demands ko e parang isinasara ko na ang posibilada na makapagtrabaho kami ng Impakta “harmoniously” in the future.

Ang nasa isip ko ay ganito: Una, hindi ko na ma-gets; akala ko ba tinatanong nya ako kung anong gusto kong redress? Ikalawa, tinatakot nya ba ako? At Ikatlo, anong “harmony” ang inaasahan nya pagkatapos mangyari ang insidenteng yun sa among dalawa ng Impakta?

Pero syempre ang mga sagot ko sa kanya ay ganito: Naiintindihan ko sya na ang problema lang e yung pagkakasulat ko kaya sige gagawa ako ng ikatlong draft ng Official Complaint ko. Ngayon ko lang nalamang may drafts sa pagfa-file ng ganitong sulat.

Napagod ako bigla. Tuksong-tukso na akong magpaalam sa putragis na opisinang yan. Pakiramdam ko, pinadudugo pa nila ang usaping dapat naman ay simple lang at ang management na ang nag-aayos. Nabubwisit akong isipin na harang pa sa dami ng trabahong gusto kong tapusin ang lecheng isyu na sa akin e pwede namang tapos na sana.

Nilalaro ng Dyosa ang oras ko. Tinatantya nya kung hanggang saan ko itutulak ang punto ko. Pinamumukha nya sa akin kung hanggang saan lang ako.

Pero ito ang nakita ko: Ngayon alam na nya na maraming nakatagong prinsipyo sa likod ng mga pagtatawa ko. Higit sa lahat, nakita ko sa mga mata nya na habang nilalaro nya ako ay takot din sya. Sa wakas ay nakakilala sya ng tulad ko. Hindi ako bulag. Pinapanuod ko sila. Hindi ako pipi. Magsasalita ako. Hindi nya matantya kung hanggang kailan at hanggang saan ang kaya kong sabihin.

Nag-aalangan sya. Hindi nya alam kung sino sa aming dalawa ng Impakta ang gugustuhin nyang umalis; kung sino sa aming dalawa ang gugustuhing magpaiwan pagkatapos ng nangyari. At dapat syang matakot, dahil hindi nya pa talaga alam kung anong gagawin nya. At alam kong alam nya na alam ko lahat ito.

Pero sige, redraft at downplay ng language. Ganun pa rin naman ang sinabi ko, inedit na lang ni Kiel. Inemail ko na, kinawayan ko sya sa loob ng silid kung saan sya nakikipagmiting at tinext ko sya na wala nang igaganda pa ang sulat na yun. Problema nya na kung anong gagawin nya. Problema na namin ng Impakta kung anong kahihinatnan ng lahat. Lumayas na ako at inayos ko na ang mga papeles ko sa eskwelahan. Bwisit talaga.

Isang oras pa, nagtatawag na ako ng kaibigan. Bisi-bisihan sila sa araw na ito. Hmmp. Sya, karipas sa Greenhills. Lulunurin ko ang sarili ko sa asukal nang maisip kong hindi pa pala ako nagtatanghalian. Hala, lumamon ako sa Gerry’s Grill. At oo, lumafang pa rin ako ng asukal sa Krispy Kremes.

Nang dapuan ako ng kunsensya (o di ba, parang langaw?) sa dami ng calories na isinaksak ko sa katawan ko, naglakad kami ni JS mula Greenhills hanggang Main Avenue. May pamasahe pa naman ako pero gusto ko lang na makapagisip-isip, makisaliw sa ingay ng kalsada, at manlagkit sa paghahalo ng pawis ko sa usok ng mga sasakyan.

Ngayon, bangag na bangag ako sa antok. Maliligo ako at matutulog. Maya-maya pa lalayas ulit ako papunta sa isang birthday party na sa loob ng maraming taon ay magkasama naming ipinagdiriwang ni Karing. Haaay… nasaan ka na ba kasi ngayon? Karing, ngayon ko kelangan ng abogado!

Byernes. Bukas may date kami ni Paolo.

Gemini

Nakadalawang yosi ako kaninang alas singko. May kapatid pa itong panginig-nginig. At hindi ko naiintindihan kung ano nga ba ang pinagkaka-tensyunan ko samantalang sa kaloob-looban ko alam kong tama ang ginawa ko.

Kani-kanina lang dinalaw ako ng Dyosa sa maliit na koral kung saan ko pinagbabayaran ang sweldong tinatanggap ko.

Maghapong tahimik ang opisina; tahimik, dahil walang nangyaring kagimbal-gimbal sa usapin ng sulat na iniluwal ko kahapon. Katatapos lang ng meeting namin tungkol sa haytek na putang-inang document management system na 'yan. Kahit nagmumura na ang kalooban ko sa komplikasyon na dala ng imbensyon na ito, tinahi ko ang bibig ko sa loob ng mahigit na dalawang oras. Hindi ko masikmurang sa halip na gumaan ang sistema ng pagtatrabaho ay pinahihirap pa ng electronic system na hindi naman kasi akma sa mga pangangailangan ng napakaliit na opisina. Buti na lang at masarap ang pancake, kahit paano nakabawi ang patay-gutom na ito.

Hindi nya 'ko nilapitan tungkol sa katatapos na meeting. Awa ng Diyos at sa website ako nakatoka at hindi sa electronic system na yun. Nilapitan ako ng Dyosa dahil sa sulat ko, na hindi pa pala nya ibinigay sa Impakta gaya ng sinabi nya kahapon. Mahirap paniwalaan pero sinabihan nya akong ayusin pa ang sulat. Kesyo hindi malinaw kung Official Complaint ba iyon o Incident Report lang. Kesyo kelangan kong isaad kung ano ang reprimand na hinihingi ko.

Sa isang banda ay tama rin siguro sya. Ang medyo nakakatawa lang ay pwede pa palang i-edit yun ng taong pinagtutuunan ng sulat ko, na walang iba kundi sa tutuo lang ay siya.Obvious ba? Habang nagsasalita pa lang ang Dyosa, naiintindihan ko na- gusto nyang sa akin manggaling ang lahat, para ang sasabihin nya na lang ay "Given the complaint, I am compelled to act accordingly".

Obvious ba na kumunsulta na sya sa kaibigan nyang maalam sa ligal na karapatan ng manggagawa? At ano sana ang dapat gawin ng lola nyo? Hindi ba't slight e gusto ko rin naman ng hustisya?

Pagkatapos ng kaliwa't kanang konsultasyon sa council of elders, na halos ikalaglag na ng YM sa screen ng laptop ko, nirepaso ko na nga ang sulat. Ibinigay ko na ang hinihintay ng mga tagasubaybay. Hiningi ko na sa sulat na yun ang isang public apology letter sa akin, sa lahat ng saksi, at sa Diyos at Dyosa ng opisina. May himas ang sulat ko, pero inilabas ko na rin ang mga pangil ko.

Sa kaloob-looban ko, alam kong usapin na ng tama at mali ang ginawa sa akin ng Impakta. Wala nang kinalaman ang anumang personal na isyu. Wala na sa lebel ng husay sa paggawa ang usapin. Dahasang tama at mali na ang nakataya. At kahit tulad ng marami ay gusto ko lang ng katahimikan, kailangan ko nang harapin ang paninindigan ko.

Sa kaloob-looban ko, "E ano ngayon kung anong gulo pa ang mangyari, e nauna ko nang napag-isipang ayoko na dito". Ano pa bang katahimikan ang hahanapin ko ngayon?

Ang medyo nakakatawa ay medyo nakakainis din. Alam kong sa isang malaking paraan ay nagpagamit din ako sa hayup na Dyosang yun. Lalo na nang matapos nyang matanggap ang sulat ko, ang sabi nya, "Kwidaw ka rin kasi alam mo naman ang ugali ng isang yan; baka anong gawin nya sa 'yo". (Kanina lang binuyo nya 'ko, tapos ngayon binabalaan nya 'kong mag-ingat.) Dagdagan pa nya ito ng kwentong nang mga huling araw ay todo papuri sya sa pagtatrabaho ko. I'm sure ang tinutukoy nya ay ang "The Price is Right" stint; hindi pa nya ko nakitang tumawid sa alambre, kumain ng bubog at bumuga ng apoy!Sa isip-isip ko, "E ano ngayon?"Pagkatapos ko panginig-nginig na drama ng katawan ko, ang sumagi pa sa isip ko e baka mamatay sa alta presyon ang Impakta. Kasi nga matanda na sya. Sumagi rin sa isip ko na kawawa naman sya. Sa lahat ng hiningi ko sa sulat, 'di kaya mawalan sya ng career?

At sa isip-isip ko, "E ano ngayon?"

Ngayon, habang isinusulat ko ito, nakakailang yosi din ako. At medyo naginginig din ako. Pero talaga namang nakakailang yosi ako tuwing nagsusulat, at medyo malamig sa ilalim ng tolda habang bumubuhos ang ulan.

Nakatambad sa harap ko ang mga tuyot na pulang rosas na galing sa mamahaling hotel nung gabi ng "The Price is Right". At mas malinaw akong nakakapag-isip sa kwadradong mesang pugad ng lahat ng isinusulat ko...

Para sa sarili ko, hindi para sa iba.

Maghapon

Kaliwa't kanan ang natanggap kong pambubuyo.

"Hindi tama, mali ang nangyari at hindi ka dapat tumahimik."

"This is bigger than you, kelangang magsalita ka hindi lang para sa 'yo kundi para din sa iba."

"Nasan naman ang dignidad mo, ang daming nakakita.

Ano na lang iisipin nila, na okey lang sa 'yo na ganun kang tratuhin ng iba?"

Hanggang tumigas na lang ang kulangot ko, at maisip-isip kong sige na nga para na rin sa ikatatahimik ko tutal talaga namang nakapagdesisyon na kong umalis e di sabihin ko na lahat.

Pagkatapos kasi ng lahat ng insultong natanggap at kaiiyak ko itong mga huling buwan, namanhid na ata ako. Kahit niyugyug na at lahat ang ulo ko sa pagitan ng dalawang kamay ng Impakta, nakaplastar pa rin ang ngiti ko. Kahit isang linggo na mahigit ang famas awardee drama na yun, wala ni gapatak ng luha o violent exchange of lines na ginawa ang lola nyo. Hanggang dikdikin na nga ako ng mga agresibong tao sa paligid ko, at naisip kong malamang tama sila at baka malasin na naman ako pag hindi ako nakinig sa mga words of wisdom ng council of elders.

Kaya kanina, niratsada ko ang isang email para sa Dyosa. Pinamagatan kong "Official Complaint" at minarkahan ko ng delivery report, read receipt, at high importance para siguradong mamula at mapansin ang liham ng abang alipin na ito. Bilang administrator kuning ng isang website, nagamay ko na ang tonong makina sa paggawa ng sulat kaya deretsahan lang ang pagsasabi ko ng mga isyu, wala nang kadramahan. Pinadala ko yun pagkatapos kong magbayad ng mga nabili kong bag na tinda ng Impakta. In fairness, magaganda ang bag.

Anong napala ng kulangot ko? Maikling usap sa kwarto ng Dyosa, habang nakabukas ang pinto ng opisina nya at maya't maya kaming natitigilan sa pabugso-bugsong pasok ng mga staff nyang may kanya-kanyang pakay, ilang tawag sa telepono na wrong number at I'll call you later, at mas maraming kwento nya tungkol sa sarili nyang buhay. May ikatutuwa ba ako? Well, hanga daw sya dahil maganda ang sulat ko at very matured ang attitude ko sa nangyari. May aasahan ba akong aksyon? Ipapadala daw nya ang sulat ko sa Impakta para makapagisip-isip daw yung isa. Pagkatapos non, pinayagan nya akong magkape sa Starbucks.

Na-gets nya kaya kung gano kabigat ang isyu? Na pwede akong magsampa ng kaso kung gusto ko? Na ang pupuntahan ko sa Starbucks ay hindi lang kape kundi chika sa isang kaibigan?

Kelangan pa bang sagutin ang mga tanong ko ngayon? Hindi na siguro, tutal nakauwi na ako. Tulad ng lahat ng araw na lumipas habang nagtatrabaho ako sa opisinang yun, oras na ng pahinga. Bukas, bagong kwento na naman.

The Price is Right

Sakit ng paa ko. Iniisip ko na lang na mas masakit ito kung wala akong sapatos, o kung cheapangga ang shoes ko. Ginaw na ginaw din ako. Iniisip ko na lang na nangisay na sana ako kung wala akong damit, o kung manipis ang suot ko. Higit sa lahat, sa kasagsagan ng mga aktibidades, wala akong kagana-gana kahit sa gitna ng sandamakmak na masasarap na pagkain.

Big event ng big time kong opisina. Daan-daang libong salapi ang nilustay sa isang pagsasalong busog na busog ng pulitika. Nagkandahilo na ako sa pagtanda ng mga pangalang sikat- kung san sila uupo, kung saan sila maglalakad, kelan tatayo at uupo, aling litrato at aling musika ang isasalang sa aling bahagi ng mala-nobelang script ng dramang binuo ng mga taong mas marami pa ata sa Writers' Guild.

Para san? Para sa ikauunlad ng mga sariling interes ng lahat.

Nagtatrabaho ako sa isang international technology and management consulting group na nagpapadaloy ng isang grant project. Nag-umpisa ako bilang Executive Assistant, at pagkaraan ng anim na buwan ginawa nila akong Communications Officer. Ano yun? Dapat, ako ang nago-operate ng communications strategy kuning ng proyektong ito, na isang ICT project. Pero, ano yung ginagawa ko? Kung anong sabihin nila.

Gaya kanina. Isa akong floor manager na nakapustura. Kung sa opisina, daig ko pa ang mekanikong taga-ayos na sirang makina. Well, dahil opisina yun, tagagawa ako ng mga powerpoint presentation na walang laman. Taga-empake din ako ng mga dokumentong walang saysay. Taga-karga din ako ng mga files sa kung saan-saang drive. Ang pinakamatalino ko nang gawain ay ang alamin kung nasaan nakalagay ang mga papel at sino ang taong dapat kinakausap tungkol sa anik.

Noong 1994, noong una akong nagtrabaho sa isang NGO, advocacy program ang pinatatakbo ko- mula sa pag-aaral ng sitwasyon, pagpaplano, pagba-budget, pagpapagalaw, hanggang sa pag-aanalisa kung san tumama at nagkamali ang programa. P2,500 lang sweldo ko nun. Pero marami namang meeting at training kaya konti na lang ang gastos ko sa pagkain. Kahit wala pa sa isang dosena ang pinapagpalit-palit kong damit, e mukha rin namang mga basahan ang kasama ko kaya pwede nang daanin sa mala-artistang ngiti.

Gapang pagong ang pagtaas ng sweldo sa NGO, pero kwarta naman ang takbo ng trabaho. Ang dami kong natutunan, at pakiramdam ko ang bilis kong tumanda. Hanggang napagod na rin ang puso ko sa frustration ng kakulangan sa pera. Hindi lang ng para sa sweldo ko, kundi ng perang laan para mapaharurot ang mga gawain. Ang hirap mag-serve sa poor kapag poor ka rin. Unti-unti ko na ring naisip nun na ayoko namang pagkatandaan ko na lang ang ganung perspektiba. Gusto ko ring maintindihan ang kabi-kabilang kampo.

May isang proyekto. Maraming pera dun kasi utang ng gobyerno. Sa biglang tingin din, may makinarya na. At oo, mas mataas ng tatlong ulit ang sweldo ko. Mayabang-yabang na rin ako kasi kaka-martsa ko lang nun sa kolehiyo kaya pakiwari ko handa na akong magkaron ng career. Ayun, empake ng bag. Goodbye sa mga fungi. Balik-Kyusi ang drama ng lola mo.

Isa't kalahating taon. Ayoko na. Hindi ko na alam ang pakiramdam ng masikatan ng araw at makasinghot ng sariwang hangin. Hindi ko na napanuod ang maraming paglubog ng araw. May mga araw na tabingi na ang ulo ko sa maghapong kakaakyat-panaog ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Pati pagkakape ko sa umaga ay pinepeste ng walang kapararakang sermon ng boss tungkol sa isang bagay na makakapaghintay naman ng tanghalian.

Buhay pokpok naman. Kung sinong may pera ang kakalabit, sama. Hindi regular ang kita pero kung susumahin ng taunan, mas malaki. Dahil paisa-isang putok lang at uwian na, walang away. Aba'y kagandahan din naman ang mga ganung relasyon. Pero ilang ulit ko ring sinubukan ang permanenteng trabaho, wala na. Hindi ko na kayang tumagal. Mas mahal ko na ang sarili ko, mas mayabang na ko; gusto ko na ng pera, at ayoko nang isuko ang mangilan-ngilan kong prinsipyo.

Itong trabaho ko na ngayon ang may pinakamagandang alok ng sweldo sa akin. At ang opisina ko, mala-hotel ang kasosyalan! May libreng pasayaw pa dalawang beses sa isang linggo. Pagtapos ng higit isang taon, nakakaburat din pala. Puro showcase. Puro imahe. Walang kalaman-laman. Aparador ko lang ang nabusog.

Balisa na naman ako. At kanina, habang nakaplastar ang aking celebrity smile kahit mistulang uto-uto akong taga-abot ng mga plake at kamiseta sa isang Sekretarya ng isang Departamento, ang tanging nasa isip ko:

"Come on down, you're the next contestant on The Price is Right"!