May mga kaganapan sa Salapudin ngayon. Sa tutuo lang, masaya ako- bwahahaha. Pero sa kabilang banda, gusto kong pumirmi. Wala munang kibo, tahimik. May hinihintay kasi ako. Gusto ko nga munang burahin ang mga nauna kong blog tungkol sa Dyosa at Impakta. Hindi ko pa lang napigurahan kung pano, nagmamadali kasi ako ngayon.
Nanganganib ang Dyosa. Pero who knows, baka ang Impakta din. At wish ko lang, pareho silang mahulog sa bangin. Kahit hindi ako ang magtulak sa kanila, kaligayahan pa rin. Namamahinga ang Bathala, at ang mga Chos at kutong lupa ay pare-parehong walang katahimikan. Walang may katiyakan kung sino ang sipsip, sino ang alagad nino, at kung sino ang damay sa kalamidad nilang lahat.
Palakpakan, malapit na ang katapusan ng pantasya nilang lahat...
Yan ang isinulat ko nuong isang linggo. Nung sa kabila pa naka-paskil ang alamat. Ngayon, mas marami-rami nang nangyari.
Tahimik na sa Salapudin. Masyadong tahimik. Kanya-kanyang pag-iisip na ngayon. Wala nang gustong magsalita. Wala nang katiyakan kung sino ang tunay na kalaban.
Takot ang mga kutong-lupa: Sino ba ang sipsip? Kung pwedeng sumipsisp kanino ba dapat? Sino ang may pinakamaraming nalalaman at naiintindihan? Sino ang pinakamagaling ngayon at sino ang maaring malaglag? Wala akong alam, wala akong kinalaman. Kanya-kanyang dahilan. Ang tunay na pangungusap- wag nyong guluhin ang tahimik kong buhay (o hanap-buhay).
Walang katiyakan ang buhay ng mga Chos. May mga nakikitil na walang muwang, habang ang Impakta ay nagbubunyi at dahan-dahang nagtatayo na kanyang maliit na kaharian. Wala nang gustong makialam, masyadong magulo.
Luksa ang Dyosa. Galit. Masama ang loob. Tuliro. Walang kaibigan. Walang kaharian. Naiintindihan nya na kaya?
Na walang kaharian kung walang sinasakupan.
No comments:
Post a Comment