Karaniwan nang ginagamit ang mga bansag na Halimaw, Tyanak, at ang walanag kamatayang Bruha. May mangilan-ngilang gumagamit ng Impaktita. Sa isang banda, naging katuwaan na ang ganitong tawagan lalo na sa mga magkaka-close. minsan ang ganitong tawagan ay may halong paglalambing na rin. Sa tingin ko, ito'y pagkilala rin sa mga hindi pangkaraniwang powers ng mga elementong ito.
Sa kabilang banda, ang ganitong pagtawag ay may kahalong pangungutya na dala ng pagkainis dahil sa di maipaliwanag na kalupitan ng taong tinutukoy. Karaniwan na sa mga Pinoy ang paggamit ng malinaw na pantukoy bilang paraan na rin ng pagkilala, sa pag-asang mapapawi ang takot kapag kilala mo ang tinututkoy mo. (Hmm, Pinoy kaya si Harry Potter?)
Sa kaso ng matandang Impakta na madalas kong banggitin ngayon, hindi Impakta ang pinakauna kong binansag sa kanya. Nauna ko syang tinawag na Dona Claudia, dahil na rin siguro sa paghahambing ko sa kanya kay Amor Powers na matindi nyang katunggali. Si Amor Powers naman ang sa ngayon ay tinatawag kong Dyosa.
Eto ang kwento ng Impakta, na ilalahad ko sa tradisyon ng Pips, hindi pa sa dahilang mahal sya sa akin kungid dahil makulay din ang pagkatao nya. Higit pa dun, di ba nga ang claim ko ay disipulo ako ng Desiderata? At ang sabi: Even the dull and the ignorant, they too have their story. Kaya ito...
Una ko syang nakilala sa kanyang resume na nakakabit sa bibliya ng proyektong kinasasangkutan ko. Datihan na sya sa kompanyang ito bilang Project Officer sa nagdaang proyekto, bagamat hindi kasintagal ng ipinangangalandakan nyang labindalawang taon. Sa katotohanan, wala pang sampung taon ang pangkalahatang karanasan nya sa development projects. May ilang taon din sya sa gawaing pang-edukasyon bilang isntructor at Dean of Student Affairs ng isang kolehiyo sa Cagayan na pag-aari ng yumao nyang asawa. Sa ngayon, BOD pa rin sya ng kolehiyong iyon. Liban dun, may maiksi syang karanasan bilang assistant sa isa namang kompanya ng interior design. Napuna ko ang Masteral degree nya sa English, na inumpisahan at tinapos kasunod ng isa pang masteral degree na hindi niya natapos (HRM ata?).
Natanong ko syang minsan kung Ibanag sya, at sabi nya ay Itawis daw. Ewan ko ba, parang magkahawig naman ang kulturang yun. Kaya ang pakiramdam ko, iniiwasan nya lang ang mga negative stereotypes ng tribo nya. Wala namang problema sa 'kin yun, sa tutuo lang, dahil sa Nueva Vizcaya nga ay pinaghalo-halong kalamay ang mga tribo. Isa pa, Gaddang nga ang jowa ko. Kinaiinggitan ko pa nga ang mga ganito, kasi nga ako'y walang malinaw na tribong kinabibilangan- basta Kyusi ang aking lupang sinilangan, mahirap nang ipaliwanag ang porsyento ng lahat ng dugong pinaghalo-halo sa katauhan ko.
Ibibilang ko ang Impakta sa Top 5 na prettiest old women na nakilala ko sa tanang buhay ko. May pagka-mestisahin sya, yung tipong kahit walang make-up at naka-duster ay masasabi mong maganda. Hindi ko pa rin sya ever nakitang hindi maayos ang pamumustura- mula buhok hanggang kuko, mula damit hanggang sapatos- 'day, walang sumasalya sa kombinasyon. Sa edad nya, hindi pa rin maaring hindi ka lumingon kapag dumaan ang Impakta.
Yun lang, wala pa rin akong nakilalang hindi nagsabing mahirap pakisamahan ang Impakta. Lahat ay may kanya-kanyang kwento sa pagsayaw sa tugtog nya, mula sa Dyosa hanggang sa mga kutong-lupa. Matabil ang dila nya, at may asta ang kahit gaano kasimpleng pamumuna na mamumutawi sa magaganda sanang labi nya. Markado ang pamumulagat ng mga mata nya tuwing may ipararating syang punto.
Tatlong bagay ang pinagmumulan ng powers ng Impakta. Una, matanda na sya. Hindi mo gugustuhing magmistulang walang galang sa matanda kaya walang gustong makipagbanggaan sa kanya. Ikalawa, isa sya sa mga pinakamatatagal na sa kumpanya. Tuwing may sasabihin syang mga nakasanayan sa pamamalakad ng kumpanya, hindi mo maiiwasang tumahimik na lang at isiping baka ikaw ang nasa maling lugar. At iaktlo at pinakamalakas sa lahat, KC nya ang Dyosa. Kapwa sila mahilig sa pagsa-shopping, at di mabilang ang mga kwento nila ng pagsasama sa napakaraming karanasan. Ang ikatlong power na ito ang pinakamahirap tantyahin sa lahat.
Sa pag-aaral ko, masasabi nating magkasama sila ng Dyosa sa at least four social gategories: parehong babae, parehong Ilocano-speaking, parehong matanda, at pareho ng mga libangan. Ang mga common membership na ito ang maaring magtulak sa kanila upang maging magkakampi sa mga isyung tatapik sa mga kategoryang nabanggit ko.
Sa Dyosa ko nalaman ang maraming bagay tungkol sa personal na nakaraan ng Impakta, dahil nga naging linya na ng Dyosa ang mga katagang, "You have to understand...."
No comments:
Post a Comment