Masaklap ang balita tungkol kay Gracia. Pangalan nya ang lumutang sa listahan ng mga chuchugiin sa Salapudin, kapalit ng pagtaas ng sweldo ng lahat ng kutong lupa. Masaklap dahil mawawalan sya ng trabaho sa panahon ng krisis. Mas masaklap dahil sumabay pa sa balitang tadtad ng polyps ang parehong obaryo nya, na hindi pa nagluluwal ng sanggol. Ang pinakamasaklap ay hindi nya pa alam na machuchugi na sya.
Hindi sya dapat nakipagbanggaan sa Impakta. Hindi kakayanin ng isang kutong lupa ang mga ganitong kapangyarihan. Noon pa man tinipan ko na kasi ang luka-lukang ito. Wag kang makisali sa away ng Dyosa at ng Impakta. Clash of the Titans yan, at hindi ka Titan. Tigas ng ulo.
Simula’t sapol hindi na maganda ang dating Impakta kay Gracia, and vice versa. Wala naman sanang problema kung maiiwasang magbungguan ang dalawang ito. Pero hindi. Si Gracia ay alalay ng Dyosa at ng Impakta.
Madaling namili si Gracia- ang Dyosa. Ilang buwan pa lang sa Salapudin ginawa na nyang ninang sa kasal ang Dyosa. Dahil ang Dyosa ang pinakamakapangyarihan, ang salita ng Dyosa ay naka-taga sa bato. At ito lang ang sinusunod ni Gracia.
In fairness, hindi naman naisantabi ang Impakta. Tinapos naman ni Gracia ang lahat ng utos ng Impakta. Wala naman syang hindi inisnab... maliban na lang kapag itinapak ng Dyosa ang kanyang paa.
Hindi maiisahan ang Impakta. Hindi ng isang bagong saltang kutong-lupa. Alam nyang naglalaro si Gracia. At hindi nya ikinatutuwa ang pakikisaling-kuting ni Gracia. Ang idinidiin ng Impakta- hiniling nya ang kutong-lupang ito, kaya’t may karapatan syang mag-utos at masunod at pagwagian ang diwa ng aliping ito. At kung hindi, sisiguraduhin nyang babalik sa imburnal ang kutong-lupang ito.
Ngayon, kumakandirit ang Impakta sa Salapudin; animo super jolalay ng bagong Bathala. Bulong-bulungan, pinakikinggan sya ng Bathalang kuning-kuning ay may puso para sa mga kutong-lupa. At ngayon nga ay pinag-iisipan nang itaas ang moral ng mga alipin sa pamamagitan ng salapi; sabi-sabi higit pa sa pamantayan ng iba pang kaharian.
Nung kamakailan lang nakausap ko si Gracia. Ibinuga nya ang kwento ng kanyang pakikibaka sa pagbubuntis. Sa laki ng problemang ito, lumiit kay Gracia ang mga isyu sa Salapudin. Tipo bang kung hindi lang sya babahin, sigurado namang walang kapahamakan sa Salapudin. Umaasa pa nga syang tutuo ang sabi-sabi- na magpapamudmod ng salapi ang Bathala.
Hindi nagbabago ang opinyon ko- hindi sya aalis ng Salapudin. Kailangan nyang manatili doon... para sa ipinatatayong bahay, para sa gamot, para sa pag-asang may magandang kinabukasang naghihintay para sa kanya.
Sasabihin kaya ni Marichu kay Gracia?
No comments:
Post a Comment