Wednesday, 17 June 2009

Pusoy Dos

Abot hanggang 10th floor ang taas ng ihi ng Dyosa kanina. May mga dayo na ang pakay ay magmalaki ng kagalingan ng kanilang web portal. Hindi lang sila magaling, mabait din sila dahil inaanyayahan nila kaming gumamit ng portal na yun. Lingid sa kaalaman nila na sa Salapudin ang web portal ay walang kasing sopistikado. This is IT- ito na nga ay tinatawag na "haytek". At lahat yan ay sa ilalim ng pamamahala ng Dyosa.

Ang abang kutong-lupang ito ang may-ari ng pinaka-pigil na ngiti at timping kagalakan. Hello? Ako ang nagpagalaw ng lahat ng ito, mula konsepto hanggang paggawa. At masaya ako na kapag ganitong payabangan na, hindi mapapahiya ang Dyosa.

Sa mga huling sandali bago nag-umpisa ang miting na ito, dito nakatutok ang isip ko. Ilang araw kong pinupukpok ang web developer na linisin ang lahat dahil ayokong-ayokong sumablay ang Dyosa. Kahit nga nang magmwestra ng pamumulaga ang Impakta kanina, hindi ako nagulat. Isip ko lang- "nye, ano naman yun". Hindi nya ako binulaga ng pabiro, ginugulat nya ako ng pananakot na parang mahahagip ako ng mga braso nyang winawagayway sa hangin. Well, buti na lang at hindi ako nahagip kundi... Hmmmmm

Buong akala ko, maganda na ang araw. Paalis na ang bagyo. Tama na ang mga kahapon. Pero (time), binulaga na naman ako:

FW: OFFICIAL COMPLAINTSent: Tue 9/23/2008 12:13 PM
Hi XXXX:
Here is the response. Please see me. Thanks, XXXX

xxxx

From: xxxxxxxxx xxxxx
Sent: Tuesday, September 23, 2008 11:45 AM
To: **** ******
Subject: RE: OFFICIAL COMPLAINT
Importance: High

Dear xxxxx,

This is to put on record that I deny having done this to the COMPLAINANT, and that I am requesting for a FULL FORMAL INVESTIGATION on the allegations, for the protection of both parties and that of (this firm).

While there had been initial agreement that this can be dealt with quietly within the office, I was advised by my lawyer that the complaint is written, and to not respond will put my reputation as a professional, on the line. For the record, the COMPLAINANT will have to prove beyond reasonable doubt that the “physical assault” actually occurred, unless otherwise she will have to explain why she should not be charged FOR MALICIOUS INTENT.

A resolution has to be achieved, for the common good.

Thank you.xxxxx

Hagya nang nakailag ang laptop sa pagkabog ng dibdib ko. Kainez. Ang dami ko pa namang inilistang gawain para sa maghapon. Hala, text kaliwa't kanan- kelangan ko ng abogado. Putang-ina nila, magkita kami sa korte. Todo na 'to.

Wag daw akong mag-alala, praning lang yun kaya nananakot. Protocol ang ginawa ko. Ipunin ko na lahat ng record ng exchanges. Yan ang advice ng abogado. May nagsabi rin na maghanda na sa kaso, magfile na ako ng two weeks notice. Hindi ko sinang-ayunan yun. Ibang level na itu, dinala na nila sa usaping truth (baka may justice at liberty pang involved, for all I know).

Come 5:30, ayan na at kami ng lang Dyosa ang naiwan sa Salapudin. At noon kami nagkakikilala.Anya, sa tingin nya nasa akin na ang bola; nasa akin na ang burden of proof. Matagal ko nang hindi ginagawa, pero bumalikwas ako sa upuan at nagwikang: "Hindi ko ito nakikitang ganyan. Nasa iyo na ang bola. Nag-file ako ng complaint, sumagot sya, at ngayon kelangan mo nang makialam".

Nakakalito na raw kami, sabi ko may nangyari at dinedeny naman ng Impakta. Tinanong ko sya kung alam nya ang tungkol sa text ng Impakta. Alam nya. Sabi ko, di ba sya ang inconsistent? Di ko alam san sya nanggagaling sa email nyang yun. Umamin na sya ng pagkakamali, at walang ibang pinuntahan ang complaint letter ko maliban sa Dyosa (at sa blog ko!) kaya anong malicious intent dun.

Ikunwento ko sa kanya ang Alamat ng Bruha, ang nagsabi sa aking napakamahal kong EA at sayang naman ang pinakain sa akin sa mamahaling hotel kung napakasimple ng trabaho ko. (Ang Bruha ay isang dating consultant din na umalis naman isang buwan pagkatapos ng walang kawenta-kwentang soap opera nya sa TV network na ito.)

Dito naman namulagat ang mata ng Dyosa. Matagal ko nang alas ito, na hindi ko inilalabas dahil pusoy dos ang laro at kahit wala kang dos mataas na rin naman ang alas para makapagtawag ka man lang ng tira. "That was very unprofessional", anya. at itinuloy ko ang punto ko- alam ko kung paano tumahimik, pero hindi pwedeng lagi na lang dahil mali yun. Kung aatras ako ngayon, paano ko na titingnan ang sarili ko ten years after? At itinulak ko na ang kariton: dito dinala ng Impakta ang usapan, hindi ako aatras. Gawin nya lahat kung gusto nya. Walang mag-uumpisang gulo mula sa akin, pero wag silang umasang aatras ako. Sabi ko nga di ba, todo na to.

Ano daw ang gagawin ko. Sabi ko wala. Ikunwento ko ang pamumulaga kanina. Nagkomento ako- disappointing, childish. Napakarami ko pang kelangang gawin at binubwisit ng isyung ito ang mga plano ko.

Piling-piling Linya #1:
Those emails will not even hold admissible in court.

Piling-piling Linya #2:
Para sa akin, ang asar talo.

Piling-piling Linya #3:
I bounced those emails between you and her in the interest of transparency.

Eto. Eto ang mga paborito kong linya na nagpakilala sa akin kung hanggang saan ang powers ng Dyosa- sa puso, sa isip, at sa gawa.

Hindi pala talaga tutuo: na lalake lang ang pwedeng maging bakla.

Tutuo pala: na kahit babae pwedeng magkaron ng bayag.

Isang alamat lang ang Dyosa. Kahit sya, alam nya ito. At sa susunod na kabanata ng seryeng ito, hihilahurin ko ng putik ang Dyosa.

No comments:

Post a Comment