Tauhan ninyo ni Gracia ang admin, absent si Farah (na admin officer na at receptionist pa)..... Bakit ba sabay-sabay nagla-lunch break e nakita nang walang tao sa front desk (kapag lunch time)..... Wrong question ang 'busy ba ako', itanong mo kung humihinga pa ako (habang nakikipag-chika sa laptop with matching headphones at microphone).
Ano bah! Thoughtful naman sya: Gracia, bakit napansin kong parang malamya lagi ang boses mo (ginagatungan ka ni Id, ano?)..... Farah, kelangang ibahin ang ayos ng opisina; nagkakasakit ang mga tao at nagkakaaway-away ang mga staff, magtawag ng feng shui expert (hindi ako may kagagawan nito, may mga forces of nature na dito!).....Id, kelan ba matatapos yang directory na yan (na hindi nagawa ng receptionist nung Inception pa lang ng project), yang problema sa online newsletter (na dapat sana ay hinaharap mo habang nagoo-organize ka ng bonggang okasyon na gaganapin in 13 days), at yang mga articles na dapat ilabas na next week (kahit wala pang substantial na laman) nag-aalala na ko ha!!!
Abalang-abala ang opisina. Kaya nga kailangang intindihin ng isang empleyadong tulad ko na kailangang isa-isantabi na muna ang Official Complaint ko. Nangako naman sya na aaksyunan yun, kelangan ko lang syang bigyan ng panahon. Kunsabagay, technically speaking, may humigit kumulang tatlong buwan pa naman bago matapos ang kontrata ko. Ibawas mo na ang walang pasok.... (Sumahin nyo, mahina ako sa Math!)
Kapag nangyari yun, pwede namang mapagod na ako at ako na mismo ang magboluntaryong hindi na 'ko magre-renew ng kontrata. Hindi ba mas madali yun? Hahayaan nya na lang na, sa sarili nyang mga salita, "Ang asar, talo".
Kahanga-hanga ang Dyosang itez! Matapos nyang pingpongin ang mga liham namin ng Impakta bilang bahagi ng kanyang "transparency", bitin pa sya sa mga eksenang kaguluhan sa Salapudin.
Para sa ikaaaliw nya, sana napapanuod nya kapag:
umaatungal ng awiting "Honesty" ang Impakta habang umiihi sa banyo dahil halos katabi ng banyo ang cubicle ko
umiismid-ismid ang kulubot, nanunuyo, at tabinging pisngi at labi ng Impakta kapag nagsasalubong kami sa mga eskinita ng sosyal na opisina nya
o kaya'y kapag bumubulahaw ng mga katagang "there goes the immoral" ang Impakta habang magkasabay na naglalakad sila ni Bakekang.
Aminin. Kakaaliw ang Dyosa. Marami na akong nakilalang manager, at wala ni isa mang kasing-juvenile ng babaeng ito. Ikakatutuwa nyong malaman na ang babaeng ito, maliban sa nakatirintas nyang mga medalya sa eskwelahan, ay linsensyado rin sa personality counselling. (Sinasabi ko na nga ba, walang kakwenta-kwenta ang sikolohiya!)
Gusto mo ng participants sa training? Bayaran sila. Gusto mo ng haytek na e-system na walang makaintindi, magluwal ng milyones. Gusto mo ng lean and mean staff? Murahin mo sila; wala namang ibang pupuntahan ang mga yan dahil mahirap maghanap ng trabaho ngayon 'no.
Itong mga huling araw, suyang-suya na ako sa Salapudin. Kahapon lang, parang ginagapangan ng isang milyong langgam ang aking fez. Inaatake ako ng skin asthma sa nagkalat na dumi sa hangin ng opisinang ito. Mas masarap pang maglamyerda sa Trinoma.
Naiisip kaya nya, na maaring hindi ko na maulit ang pagtitimping ginawa ko sa bonggang okasyon na yun? Sumasagi kaya sa wisyo nya na maaring layasan ko na lang bigla ang trabaho ko? Naiintindihan kaya nya na hawak ko ang baul ng mga dokumentong pwede nyang ikamatay? Alam nya ba na walang ibang may alam o nakakaintindi ng lahat ng ginagawa ko at lahat ng sistemang inilagay ko sa punyetang website nya? Kelan kaya sya matatauhan na sa isang pindot ng daliri ko, pwede kong isambulat sa isanlibo ang mga kalokohan ng proyekto nya?
Dumapo na ba sa maliit na utak ng Dyosa ang impyernong pwedeng gawin ni Id?
No comments:
Post a Comment