Ang Impakta ay isang balo na may tatlong anak. Sa maagang edad pa lang na 37 ay yumao na ang kanyang asawa, na naging hudyat ng maraming pagbabago sa buhay nya. Tumindi ang pang-aapi sa kanya ng angkan ng pamilya ng asawa nya, lalo na sa usaping pampinansya.
Dumaan din sya sa maraming sakit ng ulo sa mga anak nya na sa awa ng Dyos ay mga nasa hustong gulang na rin ngayon. Hindi ko na gustong pag-usapan pa sila. Sapat na sigurong banggitin na maayos naman ang kalagayan nila bagamat hindi rin naman kagandahan ang kinahantungan ng kani-kaniyang buhay.
Sa sariling bibig ng Impakta ko nalamang magkababata sila ng yumao nyang asawa. Dati itong kaulayaw ng pinsan nya. Bata pa sila nagpakasal, buntis na sya noon. Siguro dahil nga deadbol na ang jowa kaya ang mga kwento nya sa kanilang pagsasama ay puno ng pagmamahalan. Nakakaaliw naman kapag ikinukwento nya ang kanilang mga road trip bilang pamilya, at ang lahat ng panunuyo sa kanya.
Nang yumao ito, nagkaron din sya ng boyfriend na ikinagalit lalo ng buong angkan hanggang lumayo silang mag-iina para maiwasan ang mga bubung-bulungan sa maliit na bayan. Kung ilang beses ito naulit, hindi ko na alam. Ang maliwanag lang sa kwento ay nagsumikap syang itaguyod ang mga anak nya at ang sarili nya sa kabila ng lahat ng ito.
Ang kumpanya kung san kami kapwa nagtatrabaho ngayon ang malinaw na nagbigay ng panibagong lakas sa Impakta. Dito sya nagsumikap na magningning. Ipinasok sya dito ng isang kaibigan nya sa huli ay naging kaaway din nya. Mahabang kasaysayan din ito. Sabihin na lang natin na sa buod ay umalis ang kaibigan nya dahil sa paglaganap ng mga balita at opinyong dapat sana ay sa pagitan na lamang ng dalawang tunay na magkaibigan. Malungkot kung iisipin, dahil ang kaibigan nyang ito rin ang tumulong sa kanya upang ligal nyang maipaglaban ang karapatan nilang mag-iina sa yaman ng pamilya ng asawa nya.
Ang tanong: Mahusay ba sya sa gawain nya? Ang sagot: Hmmm, hindi masyado. Marami akong kilalang mas mahusay sa kanya. May mga butas sa konsepto pa lang. At may malalaking palya sa implementasyon. May katamaran sa pag-unawa ng teknolohiya. Pero higit sa lahat, control freak kasi. Laging takot na ipagkatiwala ang mga gawain sa iba. Sa halip tuloy na maging mas masinop, nagkakabuhol-buhol sa kawalan ng sistema o sa mga prosesong paikot -ikot.
Pero que ber na. Balikan ang payak na basehan: Matalas bang mag-isip?
Piling-piling Eksena #1
Impakta: "Alam mo matagal na akong naghahanap ng librong nagdi-discuss ng history sa likod ng Bible."
Sr. Specialist: "Walang ganun. Kelangan mong maghanap ng iba't-ibang libro ng History at Anthropology at dun mo ikabit ang analysis mo."
Piling-piling Eksena #2
Kapwa Specialist: "Dear All, I have taken the initiative to articulate the framework of the policy component of our project. See attached, for your comments."
Impakta: "I wonder how _____ will integrate the reports given the different formats we are using."
Piling-piling Eksena #3
Impakta: "You need to teach us how to sue the RMS then if it will provide us the privacy we need for our documents."
Staff/Alyas Kutong-Lupa: "Matagal nang itinuro 'yan. Binigyan ko pa nga lahat ng guidelines bago pa tayo nag-umpisang mag-load ng files sa system."
[REMINDER: Hango sa mga tutuong pangyayari ang mga piling-piling eksena. Walang kulay para sa mga color-blind.]
Isang malaking babala sa amin ni Gracia nang mamutawi sa labi ng Impakta sa isa-isa nyang pinaalis ang mga kasabayan nya sa kumpanya hanggang sa ngayon nga ay sya na ang "pinaka". Binanggit nya noon na pakiwari nya ay may mga sumusubok na patalsikin sya at anya, "Subukan lang nila". Nag-umpisa syang pinakakawawa sa lahat at unti-unti nyang pinatunayan ang sarili nya hanggang sa ngayon ay marami na syang nalalaman.
Kung tutuusin, kaawa-awa ang Impakta. Wala syang pinagmulan, at wala syang patutunguhan. Kung tutuusin, ang kasaysayan nya ay sapat na para maintindihan ng lahat na ilalaban nya hanggang wakas ang anumang meron sya at sa tingin nya ay narating nya na dahil ito na yun at wala nang iba. Kung tutuusin, desperado ang Impakta. At alam na natin, ayon kay Sun Tzu, kung paano lumaban ang mga desperado.
EPILOGUE
Kagabi lang ay natanggap ko ang text na ito mula sa Impakta:
Hi Id, got the forwarded email from Dyosa. I've requested for a meeting on Monday to discuss your issue. For now, please accept my apologies for the experience, it was not intended as such. Thank you.
No comments:
Post a Comment